Saturday, May 31, 2014

Empleyado ng Iloilo City Hall, dakip sa droga

SWAK sa kulungan ang isang isang 31-anyos na empleyado ng Iloilo City Hall matapos madakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug bust operation nitong nakalipas na Miyerkules, Mayo 28.


Kinilala ang suspek na si Marbelito Cadiz, casual employee ng Iloilo City Hall at residente ng 178-C San Ramon, Sto. Rosario, Iloilo City.


Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., nahuli si Cadiz makaraang magbenta ng malaking plastic sachet na may lamang shabu sa isang PDEA poseur-buyer nitong nakalipas na Miyerkules dakong 6:00 ng gabi.


Nang maaresto, nakumpiska pa ng PDEA agents ang tatlong piraso ng malalaking sachet ng shabu na tumitimbang na 14 na gramo, isang identification card ng suspek, isang cellphone at P1,200 cash.


Si Cadiz ay pansamantalang nakapiit sa PDEA RO6 detention cell habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban rito.


The post Empleyado ng Iloilo City Hall, dakip sa droga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Empleyado ng Iloilo City Hall, dakip sa droga


No comments:

Post a Comment