Thursday, May 29, 2014

Sekyu, kritikal sa tarak ng icepick

KRITIKAL ang isang sekyu matapos itong patraydor na saksakin ng driver na dati nitong kaalitan habang nag-aayos ng uniporme, Huwebes ng gabi, May 29, sa Malabon City.


Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Rhoderick Cortel, 34, security guard at residente ng Block 16-C, Lot D-12, Kamada Compound, Dagat-Dagatan, Caloocan City sanhi ng mga saksak ng icepick sa likuran at kaliwang kilikili.


Mabilis namang tumakas ang suspek na si Aldwin Eroa, alyas Tata, 30, company driver, ng #101 Asero St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod.


Sa imbestigasyon nina PO3 Cle Bejar at P02 Benjamin Sy, Jr., dakong 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang pabrika na matatagpuan sa #139 M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog.


Naghahanda na umano ang biktima sa kanyang pag-duty sa nasabing pabrika at habang nakatalikod na nagbibihis ng uniporme ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek.


Nakapanlaban pa naman ang biktima hanggang sa maawat ng ilan nilang kasamahan na sinamantala ng suspek at mabilis na tumakas, habang isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.


Nabatid na matagal ng may alitan ang dalawa dahil madalas na masita ng sekyu ang driver dahil sa pagbabalewala nito ng mga batas sa pabrikang pinapasukan nila hanggang sa nakatiyempo ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.


The post Sekyu, kritikal sa tarak ng icepick appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sekyu, kritikal sa tarak ng icepick


No comments:

Post a Comment