Saturday, May 31, 2014

MAGPAKAMATAY NA DAPAT ANG MGA INUTIL

sa-kantot-sulok5 KAHINDIK-HINDIK ang pagkamatay ng isang ina at anim niyang anak nang masunog ang tinutuluyan nilang tent sa Costa Brava, Tacloban City.


Ang mag-iina ay survivor ng nakaraang pananalasa ng bagyong Yolanda sa nasabing lugar.


Pero mas kahindik-hindik ang dahilan kung bakit namatay ang naturang mag-iina.


Anim na buwan matapos ang pagragasa ng malaking baha na dulot ng bagyong Yolanda na sumira sa maraming kabahayan at kabuhayan sa lalawigan, patuloy ang kainutilan ng pamahalaan na tugunan ang pagbangon ng typhoon survivors.


Hindi sana mangyayari ang kalunos-lunos na pagkamatay ng mag-iina kung naging mabilis ang pagtatayo ng mga bagong bahay para sa mga nasalanta ng bagyo.


Hanggang sa kasalukuyan, namamayani ang pulitika sa Leyte, partikular sa Tacloban City kung saan maraming nawalan ng mahal sa buhay.


Sa simula pa lang, ilang araw matapos ang pagbayo ni Yolanda, nakita na ang kapalpakan sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at storm surge.


Kitang-kita rin ang katarantaduhan ng mga politiko na nag-aaway-away dahil sa kani-kanyang interes.


Ang malupit ay ang pagnanakaw sa pagkain na laan sana sa mga nagugutom na biktima.


Nasaan na ang pondong itinulong hanggang ngayon ng maraming dayuhang bansa? Ang mga pagkain at kung ano-ano pa?


Inutil ang mga ahensiya na dapat sana’y mabilis na kumikilos sa pagbangon ng lalawigan.


Kung bakit sila inutil ay dahil inutil ang kanilang pinakapinuno.


Kainutilan at malaking katarantaduhan ang manisi ng iba gayong siya ang lider na dapat nagpapakita ng katatagan, kahinahunan at wastong pag-iisip sa gitna ng nangyaring trahedya.


Kaya tayo po ay naiinggit sa mga taga-South Korea.


Ang kanilang Prime Minister ay may natitira pang kahihiyan kung kaya nagbitiw sa poder matapos ang malagim na paglubog ng isang barko na ikinamatay ng maraming estudyante.


Ang may sala sa paglubog ng barko ay ang kapitan nito pero ang Prime Minister ang umaako ng kasalanan.


Sa kaso ng bagyong Yolanda, pakapalan ng mukha ang labanan.


Sisihan at turuan ang ating mga lider para hindi sila masisi.


Nakalulungkot sapagkat walang mga kamalay-malay na bata ang namatay sa sunog sa “tent city.”


Hindi sila ang dapat na namatay.


Ang mga dapat mamatay o magpakamatay na lang ay ang mga inutil na bigyan ng maayos na buhay ang mga survivor ng bagyo.


The post MAGPAKAMATAY NA DAPAT ANG MGA INUTIL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGPAKAMATAY NA DAPAT ANG MGA INUTIL


No comments:

Post a Comment