Friday, May 30, 2014

De lima, itinangging nais maging Comelec chairman

ITINGANGGI ni Justice Secretary Leila de Lima ang alegasyong balak niyang palitan sa puwesto si Commission On Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr.


Ayon kay De Lima hindi niya alam kung saan nakuha ni 1-Bap partylist Rep. Silvestre Bello ang impormasyong nais nyang maging pinuno ng Comelec.


Sinabi ng kalihim, sa ngayon ay nakasentro siya sa kanyang trabaho bilang justice secretary lalo na’t mabigat ang tinatapos nilang trabaho ngayon kaugnay sa pork barrel fund scam.


Si De lima ay kilala bilang isang election lawyer at anak ni dating Comelec Commissioner Vicente de Lima.


Maliban sa puwesto Comelec, maugong din ang balitang tatakbo si De Lima bilang senador sa eleksyon 2016.


The post De lima, itinangging nais maging Comelec chairman appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



De lima, itinangging nais maging Comelec chairman


No comments:

Post a Comment