Thursday, May 29, 2014

Mga anak di mapagsama-sama, nanay nagbigti

PATAY ang isang ginang matapos magbigti sa loob ng tinutuluyan nitong boarding house sa District 4, Barangay Consolacion, Cagayan de Oro.


Kinilala ang biktima na si Nancy Lugson, 54, tubong Talakag, Bukidnon at kasalukuyang nakatira sa Bgy. Consolacion.


Inihayag ng anak ng biktima na si Julie Lugson na nakita na lang niyang nakabitay na sa kisame ang kanyang ina na wala nang buhay.


Ayon pa sa apo ng biktima, ibinilin umano nito na sana ay magkasama na ang kanyang mga anak dahil matagal na niya itong pinagsikapang mabuo.


Napag-alaman na ang kumot ng biktima ang ginamit nito sa pagpapakamatay.


The post Mga anak di mapagsama-sama, nanay nagbigti appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga anak di mapagsama-sama, nanay nagbigti


No comments:

Post a Comment