Friday, May 30, 2014

Top 10 most-wanted sa Caloocan, nadakip sa Maynila

NADAKIP na ng mga pulis Caloocan ang pang-10 sa most-wanted ng lungsod sa Maynila, Huwebes ng umaga, Mayo 29.


Nakilala ang suspek na si Dodong Marin, nasa hustong gulang ng Dalanghita St., Camarin ng lungsod.


Lumalabas na nakatanggap ng impormasyon na nagtatago sa Maynila si Marin at dahil pang-10 ito sa listahan na most-wanted ng lungsod ay mabilis na kumilos ang warrant section and subpoena sa pamumuno ni Senior Insp. Enrique Torres.


Dala ang warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ni Judge Dionisio Sison ng RTC Branch 125, pinuntuhan nina Torres ang pinagtataguan ni Marin sa Tondo, Maynila na naging dahilan upang madakip ito alas-8:30 ng umaga.


The post Top 10 most-wanted sa Caloocan, nadakip sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Top 10 most-wanted sa Caloocan, nadakip sa Maynila


No comments:

Post a Comment