Thursday, May 29, 2014

1 patay sa duwelo ng magkakosa

ISA ang patay habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos magduwelo ang magkakosang Sputnik gang dahil umano sa pera kagabi sa Tondo, Maynila.


Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Ronnie Datu, 35, pedicab driver ng 2326 Malaya St., Balut, Tondo.


Samantala, ginagamot naman sa nasabing ding ospital ang sugatan na si Arizon San Ramon, 32, binata, pedicab driver, ng Ampico St., Balut.


Sa report ni PO3 Michael Marragun, ng MPD-hs, dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang duwelo sa Malaya St., sa Balut, Tondo, Maynila.


Nabatid na parehong nakulong ang dalawa at nagkasama rin sa trabaho at posibleng hindi umano nagkasundo sa pera kaya nag-away.


Ayon kay Elpidio Sabado, natutulog siya nang maalimpungatan matapos makarinig ng komosyon at nang kanyang silipin sa butas ng kanilang pintuan, dito na niya nakita ang dalawa na kapwa armado ng patalim hanggang sa tuluyan nang magpang-abot at nagsaksakan.


Kapwa naman naisugod sa ospital ang dalawa subalit namatay din si Datu.


Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang kaso at mahigpit na binabantayan sa Hospital si San Ramon.


The post 1 patay sa duwelo ng magkakosa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



1 patay sa duwelo ng magkakosa


No comments:

Post a Comment