Wednesday, May 28, 2014

Unang linggo ng Hunyo, tag-ulan na

NAKATAKDA nang pumasok ang tag-ulan sa susunod na linggo, ayon sa ulat kaninang umaga ng isang resident meteorologist.


Sinabi ni meteorologist Nathaniel Cruz, na nagsisimula nang umepekto ang Hanging Habagat o southwest monsoon at senyales ito na maiibsan na rin ang mainit na temperatura ng panahon sa bansa.


Inaasahan aniya na ang tag-ulan ay magsimula sa unang linggo ng Hunyo.


Nauna nang sinabi ni PAGASA forecaster Elvie Enriquez na nitong nakaraang araw lamang na may mga kondisyon maliban sa epekto ng southwest monsoon bago ideklara ng PAGASA ang pagsisismula ng tag-ulan.


Dapat aniya na may 25 mm ng ulan sa loob ng isang linggo sa major PAGASA weather stations.


The post Unang linggo ng Hunyo, tag-ulan na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Unang linggo ng Hunyo, tag-ulan na


No comments:

Post a Comment