Thursday, May 29, 2014

All out war vs. Boko Haram, ikinasa na

IKINASA na ni Nigerian President Goodluck Jonathan ang malawakang opensibang militar upang pulbusin ang militanteng grupong Boko Haram.


Ito’y upang mapalaya na ang mahigit 200 mga kabataang babae na kasalukuyang bihag pa rin ng grupo.


Sa kanyang talumpati sa Democracy Day ng Nigeria, inihayag ng Nigerian President na inatasan na nito ang security forces ng bansa na gamitin ang anomang mga posibleng paraan upang pabagsakin na ang teroristang grupo.


Sinabi pa ni President Jonathan na determinado ang kanyang liderato na protektahan ang demokrasya, pagkakaisa at political stability sa kanilang bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng digmaan kontra terorismo.


The post All out war vs. Boko Haram, ikinasa na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



All out war vs. Boko Haram, ikinasa na


No comments:

Post a Comment