TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na maaari pa ring makalahok ang Smartmatic International sa gagawing bidding para sa mga bagong makinang gagamitin sa 2016 presidential elections.
Matatandaang ang Smartmatic ang siyang service provider ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines na ginamit sa 2010 at 2013 polls.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., lahat naman ng kompanya ay bukas namang sumali sa bidding.
Aniya pa, para sa nalalapit na halalan ay nais nilang bumili ng mga bagong makina at maging ng bagong Optical Mark Reader (OMR) technology.
Kakailanganin aniya nila ng P18 bilyon para sa mga naturang bagong makinarya.
Nabatid na ang mahigit 80,000 PCOS machines sa mga nakalipas na halalan ay maaari naman aniya nilang ibenta sa ibang bansa na nais ding mag-automate ng halalan, kabilang ang Indonesia, Japan, Korea, Bangladesh at Nepal.
Matatandaang ang PCOS machines ay nabili ng poll body sa halagang P1.8 bilyon mula sa Smartmatic.
The post Bagong PCOS machines, pinaghahandaan na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment