Thursday, May 29, 2014

Kelot utas sa pananaksak sa QC

UTAS ang isang porter makaraan pagsasaksakin ng hindi kilalang salarin sa Cloverleaf Market, Balintawak, Quezon City kaninang umaga, Mayo 29, Huwebes.


Kinilala lamang ang biktima sa pangalang Michael o Ikoy, 30 hanggang 40-anyos, 5’2 ang taas, kayumanggi ang kulay, at may tattoo sa kanan balikat na Bahala Na Gang (BNG).


Ayon kay PO3 Noel Bautista ng Quezon City Police District station 1-Laloma naganap ang insidente loob ng Cloverleaf Market, Edsa, Balintawak, QC dakong 10:00 ng umaga.


Sa ulat, nakaupo ang biktima at nagbabantay ng paninda sa kariton sa naturang lugar nang biglang dumating ang salarin at pinagsasaksak ang una.


Tama ng saksak sa dibdib at tiyan ang dahilan ng agarang kamatayan nito.


Agad tumakas ang suspek matapos ang insidente.


The post Kelot utas sa pananaksak sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot utas sa pananaksak sa QC


No comments:

Post a Comment