WALA pang opisyal na anunsyo mula sa Vatican hinggil sa pinakaaabangang pagbisita sa Pilipinas ni Pope Francis sa susunod na taon.
Ito ang nilinaw ni Monsignor Marvin Mejia, secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod ng mga ulat na kumpirmado nang bibisita sa bansa ang santo papa sa Enero, 2015.
“The Secretariat has not yet received any official communication from the Vatican or Nunciature,” pahayag naman ni Mejia. Maging ang communications office ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, na pinamumunuan ni Peachy Yamsuan, ay nagsabi na, “No official word from Vatican yet,” ngunit iginiit na labis nilang pinakaaasam ito.
Nauna rito, sinabi ni Tagle na kumpiyansa siyang bibisita sa bansa ang Santo Papa matapos ang pagbisita nito sa Sri Lanka.
Naniniwala si Tagle na partikular na nais makita ng santo papa ang kalagayan ng mga Pinoy na sinalanta ng super bagyong Yolanda noong nakaraang taon.
Una naman nang inimbitahan ng mga Obispo si Pope Francis para bumisita sa bansa sa taong 2016, kasabay nang idaraos na International Eucharistic Congress sa Cebu City.
The post Opisyal na anunsiyo sa pagbisita ng Santo Papa di pa inilalabas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment