Thursday, May 29, 2014

Ekonomiya ng Pinas, pinabagal ni Yolanda

UMAMIN ang pamahalaan na naging mabagal ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taon bunsod na rin ng matinding epekto ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon.


Magkagayon man ay ikinatuwa pa rin ng Malakanyang ang 5.7 percent gross domestic product (GDP) growth na naitala para sa unang quarter ng taon.


Sinabi ni Economic Planning secretary and NEDA director-general Secretary Arsenio M. Balisacan, nakopo ng Pilipinas ang third fastest growing sa hanay ng major economy sa Asya kasunod ng China na may 7.4 percent at Malaysia na may 6.2 percent.


“The first quarter GDP fell short of the government’s 6.5 to 7.5 percent goal for the year, as well as the 6.4 percent median forecast in a GMA News Online poll of economists. Output in the fourth quarter of 2013 was revised at 6.3 percent as typhoon Yolanda curbed growth, but full-year GDP remained at 7.2 percent,” ayon sa report.


Pinakamatinding bagyong humampas sa bansa ay ang bagyong Yolanda.


“The relatively slow growth is expected, given the magnitude of the destruction in production capacity. In agriculture, permanent crops, notably coconuts, were felled. Damage to agricultural output also disrupted supply chains, which may partly explain why food manufacturing output also declined. The tourism and insurance industries likewise slowed down in the first quarter as they are still reeling from the impact of natural calamities last year,” ayon kay Balisacan.


Sa kabilang dako, sinabi naman ni Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na ang 5.7 percent na GDP growth na naitala para sa unang quarter ng taon ay mas mababa sa 6.3 percent GDP growth forecast mula naman sa huling quarter ng nakaraang taon at sa 7.7 % paglago noong unang quarter pa rin ng 2013.


Malaking factor aniya rito ang masiglang services at industry sector kung saan ay kabilang aniya rito ang pagtutok ng gobyerno sa usapin ng enerhiya, reconstruction ng mga sinalantang lugar at ang kasalukuyang banta ng El Niño.


Samantala, umaasa naman ang Malakanyang na masusungkit nito ang growth forecast ngayong 2014 na 6.5 hanggang 7.5%.


The post Ekonomiya ng Pinas, pinabagal ni Yolanda appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ekonomiya ng Pinas, pinabagal ni Yolanda


No comments:

Post a Comment