Friday, May 30, 2014

Clinic sa Valenzuela, nilooban

NAPASOK at napagnakawan ng hindi pa kilalang suspek matapos sirain ang bubungan ng clinic sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga, Mayo 30.


Sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang matuklasan na napasok ng magnanakaw ang Roquero Medical Clinic sa Halina Commercial Center sa MacArthur Highway, Malanday ng lungsod ng caretaker na si Arnaldo Tamayo na pag-aari ni Dr. Alma Monte Requero.


Nakabukas ang drawer at nakakalat ang mga naka-display na mga gamot na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.


Nabatid na nawawala ang P10,000 cash sa drawer, dalawang cellphone, coin bank na naglalaman ng aabot sa P10,000 at unilab products na aabot sa halagang P50,000.


Lumalabas na nakapasok ang suspek nang tungkabin ang yero sa bubungan kung saan inaalam na ng mga pulis kung ano ang pagkakakilanlan ng suspek.


The post Clinic sa Valenzuela, nilooban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Clinic sa Valenzuela, nilooban


No comments:

Post a Comment