Thursday, May 29, 2014

‘Basag Kotse Gang’ umatake sa 2 lugar sa QC

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang tatlong magkakaibigang biktima ng “basag kotse gang” kaninang madaling-araw, May 30, Quezon City.


Kinilala ang tatlo na sina Renz Garcia, 23, residente ng Batasan Road, Barangay Batasan ng nasabing lungsod; Don So Hiong, 23, at isang babae na kinilala lamang sa alyas na Ali, 25, kapwa residente ng Maynila.


Ayon sa mga biktima, nagtungo sila sa isang kainan sa kahabaan ng Maginhawa St. at ipinarada ang dala nilang sasakyang Isuzu Hi-lander na maroon (WRX-551) upang kumain alas-7:30 kagabi, Huwebes.


Pagkakain, binalikan ng tatlo ang sasakyan na medyo may kalayuan sa kanilang kinainan at doon natuklasang basag na ang salamin sa passenger side ng nasabing sasakyan.


Nang beripikahin nila ang loob ay nawawala na ang kanilang mga bag at ilang mahahalagang kagamitan tulad ng 1 laptop, 2 ipod, power bank, P20,000 cash at iba pang mga gadget at mga personal na kagamitan na aabot sa halagang P200,000.


Samantala, isang Koreano din ang nagtungo sa himpilan ng pulisya na naging biktima rin ng kaparehong mga kawatan.


Kinilala ng biktima na si Andrew Ahn, 45, pansamantalang nakatira sa Trese De Abril, Cebu City.


Base sa kuwento ni Andrew, ipinarada niya ang kanyang Toyota Fortuner na gold (NIQ-318) sa harapan ng isang Korean supermarket na nasa Kalayaan, Barangay Central ng kaparehong lungsod pasado alas-6:00 kagabi, Huwebes.


Nang balikan niya ito makalipas ang dalawang oras ay laking gulat na lamang niya nang matuklasang basag na ang salamin sa kaliwang bahagi ng passenger side at wala na ang P250,000 cash nito.


Inaalam na ng awtoridad kung kapwa may CCTV camera sa lugar na pinangyarihan ng krimen para sa posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek.


The post ‘Basag Kotse Gang’ umatake sa 2 lugar sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Basag Kotse Gang’ umatake sa 2 lugar sa QC


No comments:

Post a Comment