PUMALAG ang mga telecommunication company at ang National Telecommunications Commission (NTC) sa panukalang ipagbawal ang expiration date ng mga prepaid card.
Ikinatwiran ng Globe Telecom ang carrying cost o gastos sa maintenance sa sistema ng mga sim at prepaid call at text cards.
Sa panig ng Smart, sinabi nito na may gastos ang pananatili ng prepaid cellphone service kahit hindi ito nagagamit.
Ayon naman kay NTC Director Edgardo Cabarios, tanging pagpapalawig sa expiration ang magagawa nila.
Matatandaang naghain si Sen. Ralph Recto ng Senate Bill No. 2231 o mas kilala bilang “Prepaid Load Protection Act of 2014” at sa ilalim din nito’y bawal kainin ng telcos ang load na hindi nagamit ng subscribers at kung mapaso man, dapat itong i-refund sa mga consumer.
The post Telcos, pumalag sa pagbabawal ng expiration date ng prepaid card appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment