Saturday, May 31, 2014

KATAKSILAN

baletodo12 BILANG pangulo ng bansa, pangunahin tungkulin ay ang paglingkuran ang interes ng bayan at mamamayan.


Bilang pangulo, pangunahin ang pangangalaga at proteksyon sa taumbayan.


Malinaw ang sinumpaang tungkulin, bayan muna bago ang sarili at personal na kaibigan at kamag-anak.


Bilang pangulo, inuuna ang kailangan ng bayan.


Kalusugan, edukasyon, pagkain, pabahay, kagalingang panlipunan, proteksyon sa komunidad, seguridad, kapayapaan at higit sa lahat, pagpapasulong ng kabuhayan para sa lahat.


Ang tanong, nangyayari ba ito ngayon sa kamay ni Pangulong Benigno Aquino III?


Nagaganap ba ang kanyang pamosong sinabi noong siya ay isumpa, este, manumpa sa kanyang tungkulin bilang Pangulo, “kayo ang boss ko..” at “tatapusin ko ang korapsyon, dahil, walang mahirap kung walang korap!”


Ipinakulong niya ang itinuro niyang korap.


Pinatalsik niya ang sinabi niyang korap.


Katapat ng kambal-bilyon na halaga, nagwagi siya kontra sa mga korap(?).


Hiniya, patuloy na hinihiya at pinagdurusa.


Nang pumutok ang matiwaling pag-ubos sa kaban ng bayan, P10 bilyon mula sa Priority Development Acceleration Fund na gawa ng isa lamang sa maraming kauri na si Janet Lim-Napoles, nagpista si Aquino.


Natuwa dahil patunay lang daw na bahagi iyon ng kanyang paglilinis sa korapsyon.


Pero sumentro lang si Aquino sa tatlong senador at pinagpiyestahan ng kanyang mga kaalyado sa pulitika.


Umabot ito sa pagpapagawa ng kulungan sa Camp Crame na punong himpilan ng Pambansang Pulisya.


Hindi naglaon, pumutok na hindi lang pala ang tatlong oposisyon na senador ang sangkot kundi mas marami sa kaalyado ni Aquino at ng kanyang partido Liberal!


Dagdag pa ang tunay na pasimuno, ang guro ni Napoles na si Budget Secretary Butch Abad at ang kanyang paboritong sinungaling na kalihim, si Proceso Alcala ng Agriculture.


Kung gaano kasaya at katibay ang tindig at postura ni Noynoy noon laban sa tatlong sendor – Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla – na siya mismo ay tila abogado sa kanyang mga pahayag, ngayon na sumabit ang mayorya ng kanyang mga kaalyado, baliktad na ang sinasabi niya at abogado naman ngayon ng kanyang partido ang tindig niya.


Bilang Pangulo, dapat ipakita ni Noynoy Aquino na siya ay Pangulo ng lahat na Filipino.


Bilang pangulo, ipakita niya na pantay lahat sa kanyang pamamahala.


At bilang Pangulo, dapat ay parehas siya sa pagkilala sa mga nagkasala, kaaway man niya o kakampi.


KATAKSILANG BAYAN ang gawa ng Pangulo kung mag-iingay lang siya sa kalaban pero BULAG, PIPI at BINGI sa kanyang mga kaalyado.


Kung mananatili siyang saradong panig sa mga nagkasala niyang tauhan, isa lang ang kanyang kahihinatnan – pagpapatalsik mula sa lakas ng taumbayan!


The post KATAKSILAN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KATAKSILAN


No comments:

Post a Comment