Thursday, May 29, 2014

3 araw na pasukan, tinutulan ng Kamara

TINUTULAN ng mga kongresista ang plano ng Department of Education (DepEd) na gawing tatlong araw na lamang ang pasok ng mga estudyante.


Sinabi nina Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian at Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan, makakasama sa edukasyon ang sistemang gustong ipatupad ng DepEd.


Ayon pa kay Gatchalian, malalagay sa alanganin ang kalidad ng edukasyon pati na ang kapasidad na matuto ng mga mag-aaral dahil mapipilitan ang mga guro na siksikin ang leksyon samantalang mahihirapan naman ang mga estudyante na unawain ito.


Kung ang problema ay lupang pagtitirikan ng mga paaralan, ito umano ang kailangang solusyonan ng national at local government units sa pamamagitan ng expropriation ng mga lupain.


Sinabi naman ni Ilagan na ang planong ito ay pag-abandona ng gobyerno sa obligasyon nitong pagprotekta ng right to education ng mga kabataan.


The post 3 araw na pasukan, tinutulan ng Kamara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 araw na pasukan, tinutulan ng Kamara


No comments:

Post a Comment