Saturday, May 31, 2014

Malakanyang, saludo pa rin sa Azkals

SALUDO ang Malakanyang sa Philippine “Azkals” football team sa ipinakitang galing nito sa 2014 AFC Challenge Cup kahit nabigo sa pagiging numero uno laban sa Palestine.


Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., ipinakita ng Philippine Azkals ang kanilang katapangan na harapin ang malakas na koponan ng Palestine sa Maldives.


“Binabati natin ang Philippine Azkals sa kanilang magiting na paglaro sa AFC Finals… Bagama’t hindi sila nagwagi sa malakas na koponan pinakita nila ang tapang sa pakikipaglaban,” ani Sec. Coloma.


Umaasa naman ang Malakanyang na darating din ang tamang panahon para sa Azkals para sa ikatatagumpay ng koponang ito at magkakaroon din ng pagkakataon na maiwagayway ang bandila ng Pilipinas sa mga susunod na laro nito.


Nakopo ng Azkals ang ikalawang puwesto sa 2014 AFC Challenge Cup makaraang matalo sa Palestine sa iskor na 1-0.


Sa ulat, kapwa ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Pilipinas at Palestine na umabot ng finals sa kahit na anomang kompetisyon.


The post Malakanyang, saludo pa rin sa Azkals appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, saludo pa rin sa Azkals


No comments:

Post a Comment