MATAPOS isugod si Rubie Garcia sa St. Dominic Hospital sa Bacoor ay kaagad tayong tinawagan ng kanyang nag-iisang anak na si Tristan.
At sa pagitan ng mga hikbi at lungkot ay inilahad ni Tristan na habang nasa sasakyan papuntang ospital ay sinabi ng ina na wala siyang ibang kaalitan o problema maliban sa away o sagutan niya at ng Chief Of Police ng Tanza, Cavite na si Supt. Conrado Villanueva.
Ang Remate reporter na si Rubie at siya ring pangulo ng Campo (Confederation of Active Media Practitioners Organization in Region 4-A), ay pinasok bandang alas-9 ng umaga noong Linggo sa kanyang bahay sa Talaba-7, Bacoor at pinagbabaril ng dalawang lalaki.
Sana lang ay hindi totoo ang hinala ni Rubie na ang utak ng pamamaril sa kanya ay si Col. Villanueva!
Ngayon, parekoy, ay wala na si Ruby, at sa kanyang pagpanaw ay baon nito ang kanyang tapang.
Hindi gaya ng hijo-de putang “utak” na sa ginawa sa isang babae ay nagpapatunay lamang na isa siyang duwag!
Sana, Col. Villanueva, ay hindi totoo na ikaw ang utak ng pagpatay kay Rubie Garcia. Dahil kung ikaw nga, isa kang duwag na kriminal na nagtatago sa uniporme ng pulis!
Sana, Col. Villanueva, ay hindi totoo na ikaw talaga ang nagpapatay kay Rubie Garcia. Dahil kung ikaw nga ay kulang ang habambuhay na pagdurusa sa piitan kung ikukumpara sa kahayupang ginawa sa isang babaeng mamamahayag na si Rubie!
Sana hindi. Dahil kung ikaw nga, dapat ay gawin din sa iyo ang ginawa kay Rubie!
King-inaaaaa!
-o0o-
PROBLEMA ng bagong upo na Provincial Director ng Rizal na si S/Supt. Marcillano Villafranca kung paano patitigilin ang iligal na lotteng ng mayabang na gambling lord ng Rizal na si Sola.
Ayon sa ating “tawiwit”, bagama’t nagpahayag si Col. Villafranca na susugpuin ang iligal na sugal sa kanyang erya ay nahihirapan umano itong ipatupad dahil sa dami ng pumapadrino kay Sola.
Na karamihan ay politiko!
Aha, kaiingat ka, Kernel, baka si Sola rin ang tatapos sa iyong posisyon bilang PD kung bibigay ka sa kanilang sulsol.
Alam mo naman siguro na si Sola rin ang dahilan kaya nasibak ang dating PD riyan.
Payong kaibigan, Kernel, huwag kang bibigay! Dapat ay ikaw ang bibigyan! Ehek!
Este, dapat ay ikaw ang kanilang pagbigyan na magampanan ang sinumpaan mong tungkulin. Sige nga, PD Villafranca, halibasin mo nga ang iligal na sugal ni Sola!
The post UTAK SA RUBIE GARCIA SLAY AT GL PALABAN SA RIZAL PD appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment