Monday, April 7, 2014

KAPAG NAASAR ANG PANGULO

deep fried NAASAR si Pangulong Aquino last week. Hindi bago ‘yan. Madalas siyang magparinig sa mga taong kanyang kinaaasaran.


Katulad halimbawa ng parinig niya sa isang pulis opisyal na namuno sa paghuli kay Delfin Lee.


Ang pulis ay si Conrad Capa, ngunit wala siyang natanggap na parangal. Sa halip, siya ay inilipat sa ibang assignment.


Nagalit si Pangulong Noynoy dahil nagreklamo si Capa. Pinaringgan niya si Capa at ngayon ay under investigation siya for insubordination.


Nagtanong tuloy si Dante Jimenez, founding chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC): Nag donate ba sa campaign fund ng Liberal Party si Lee na kay tagal bago siya nahuli?


Sa nakaraang storm surge sa Bisaya, nagalit na naman ang Pangulo at pinasibak niya ang isang chief of police dahil sinabi niya na 10,000 ang namatay sa delubyo.


Ang hula ni Noynoy ay more or less 2,000 lang ang nasawi.


Halos 10,000 na ang mga bangkay na na-recover sa Bisaya, pero ang kawawang pulis ay hindi na ibinalik sa puwesto.


Ang sabi ng iba ay sadyang pikon ang Pangulo. Ang sabi ng iba, ito’y dahil si Noynoy ay isang matandang binata, at katulad ng isang matandang dalaga, siya ay madaling mapikon.


Hindi naman sa Pinas lang nangyayari ‘yan. Kay raming pikon na naging presidente ng Amerika, katulad ni Barack Obama, at hindi siya matandang binata.


Heto ang ulat sa wikang Ingles. “President Obama’s Wednesday temper tantrum in the White House Rose Garden had shocked not only the American people but people worldwide.


This incident may be the beginning of a downward slippage of Obama’s popularity, as most people admire courage over uncontrolled anger from a blatant demagogue.”


Ganyan din kaya ang mangyayari sa popularity ni Noynoy?


The post KAPAG NAASAR ANG PANGULO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAPAG NAASAR ANG PANGULO


No comments:

Post a Comment