MULING sumirit sa ikatlong sunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo na katumbas ng panibagong pahirap sa mga motorista epektibo alas-6 ng umaga ngayong araw.
Sa magkahiwalay na text advisory ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Total Philippines kagabi, nagpatupad ng P0.30 kada litrong pagtaas sa halaga ng diesel ang naturang mga kompanya ng langis, P0.20 kada litro ng unleaded at premium gasoline at P0.25 kada litro ng diesel.
Ayon kina Raffy Ledesma, Strategic Communicaitions Manager ng Petron, Ina Soriano ng Pilipinas Shell at Iris Reyes ng Total Philippines, ang panibagong pagtataas ay bunsod na patuloy na paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Bukod sa mga dambuhalang kompanya, nagpatupad din ng kahalintulad na pagtataas sa halaga ng kanilang mga produkto ang PTT, Phoenix Petroleum, Seaoil at Unioil na epektibo ng Martes ng tanghali.
Magugunita na pinakahuling nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis noong Abril 8 at mula noon ay tatlong sunod na linggo ang pagtataas na kanilang ipinatupad.
Sa kasalukuyan, iniulat ng Department of Energy na pumapalo na sa P42.85 hanggang P46.25 ang halaga ng diesel habang nasa P50.90 hanggang P57.10 naman ang halaga ng gasolina sa mga gas station sa buong bansa.
Noon lamang nakaraang linggo, nagpahayag ang DoE na ang umiinit na tensiyon sa pagitan ng Ukraine at Russia ay magbubunsod ng muling pagsirit sa lokal na presyo ng mga produktong petrolyo.
The post Presyo ng petrolyo sumirit na naman appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment