AYON kay New Vois Association of the Philippines (NVAP) President Emer Rojas, ang civil society ay sumusubaybay sa kongreso upang matiyak na ang batas ay magkakaroon na ng progreso, at maging batas na ito sa lalong madaling panahon.
“Napansin natin na sa sampung taon ng “TEXT-ONLY WARNINGS” ay hindi naging epektibo dahil mataas pa rin ang porsyento ng mga naninigarilyo (28.3%) sa mga matatandang Filipino. Ang mga nakasanayang mensahe sa mga pakete ng sigarilyo ay hindi na epektibo at nakahihikayat upang paniwalain ang mga naninigarilyo. Kung ang pag-uusapan ay tungkol sa sama na idudulot ng paninigarilyo. Kami ay naniniwala, base sa pag-aaral, na ang graphic health warnings ay magkakaroon ng resultang mainam,” saad ni Atty. Irene Reyes, managing director of the Health Justice.
Sinabi pa ni Reyes na dapat na huminto ang mga mambabatas sa pagbalam sa batas at hayaang masaksihan ng mga tao ang tunay at walang katapat na kapahamakan na naghihintay sa mga taong naninigarilyo, kundi maging ang mga taong nakalalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo, o ‘yung tinatawag na second hand smoke.
“Ang mungkahi na sapilitang ipatupad ang graphic health warnings ay palaging nababalam o kundi man ay hindi nabibigyang-pansin ng ating mga mambabatas. Hinihimok natin sila na ipatupad na ang batas ngayon na, sapagkat dapat paigtingin ang pamamalakad tungkol sa kalusugan. Sapagkat, kung ating susuriin, 10 Filipino ang namamatay bawat oras dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo,” ani Rojas.
“Nakita namin ang lakas ng mithiin ng civil society at ang mga nagpupumilit at sapat ang kaalaman ng mamamayan sa nakaraang sin tax deliberations. Umaasa tayo na matatamo rin natin ang magandang resulta para sa kampanya ukol sa graphic health warnings,” pagwawakas pa ni Engr. Rojas.
The post HINDI PINAPANSIN NG MAMBABATAS ANG PAGPAPATUPAD NG GHW SA PAKETE appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment