Monday, April 28, 2014

Panibagong parusa sa Russia ipinataw na

IPINATAW na ng Ameraka ang panibagong sanctions sa pitong Russian Government Official at 17 companies kaugnay sa pag-okupa ng Russia sa Crimea.


Pawang malapit kay Russian President Vladimir Putin ang mga pinatawan ng visa ban at asset freeze.


Gayunman, binalewala ng Russia ang panibagong sanctions at nagbanta pa sa Amerika at mga kaalyado nitong bansa sa Europa na maghanda sa mas mabigat na ganti.


Samantala, tumindi pa ang kaguluhan sa Ukraine matapos barilin ng mga Pro-Russian Separatist Group ang Mayor ng Kharkiv City.


Handa na rin sa posibleng pag-atake ang US at British military partikular ang kanilang Air Forces sakaling lumawak pa ang kaguluhan sa Ukraine.


The post Panibagong parusa sa Russia ipinataw na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Panibagong parusa sa Russia ipinataw na


No comments:

Post a Comment