Tuesday, April 29, 2014

KAHANGA-HANGANG PM CHUNG

sa kantot sulok INGGIT na inggit ako sa mga mamamayan ng South Korea.


Kasi mayroon silang lider na talagang may TUNAY na malasakit sa kanyang mga kababayan.


At higit sa lahat, isang lider na may tunay na DELICADEZA.


Lider na hindi MAKAPAL ang MUKHA. Lider na marunong mahiya.


Gayundin sa Japan. Ang mga opisyal ng gobyerno ng Japan kapag nasasangkot sa katiwalian at nawalan na ng tiwala sa kanya ang kanyang bayan ay nagpapakamatay.


‘Yun bang kung tawagin ay harakiri.


Balik tayo sa South Korea. Si Prime Minister Chung Hun-won ay nagbitiw sa puwesto kaugnay ng paglubog ng isang barko kamakailan na ikinamatay ng daan-daang katao.


Ang kanyang pagre-resign ay inanunsyo sa harap ng TV sa publiko. Inako niya ang responsibilidad sa mabagal na pagtugon ng gobyerno sa rescue operation sa mga biktima.


Umaabot na sa 187 ang narerekober na bangkay sa lumubog na barko habang 115 ang missing.


At ang kahanga-hanga, humingi siya ng patawad sa mamamayan ng South Korea.


Kay layo-layo ni PM Chung sa mga opisyal ng ating bansa.


Ang kakapalan ng mukha ng mga nasa gobyerno natin ay kanila pa talagang pinaninindigan at pinangangatawanan.


Kung lulusot, ang mga hayup ay talagang magpapalusot. Buking na sa kapabayaan at katarantaduhan, ayaw pang magsipag-resign.


Sa nangyaring Yolanda disaster, mauubos ang mga opisyal ng Pilipinas kung gagayahin nila si PM Chung.


Nalantad ng trahedya ni Yolanda ang mga kapabayaan at kapalpakan ng gobyernong Aquino.


Ang masakit, maraming opisyal ng pamahalaan na ginagamit pa ang trahedya para pagkakitaan.


Una na syempre si PNoy, pangalawa si DILG Sec.Mar Roxas at DSWD Sec. Dinky Soliman.


Pero itong sina PNoy, Roxas at Soliman ay mga walang delicadeza at makakapal ang mukha.


Kagaya rin sila ng mga senador na mandarambong ng pondo ng bayan. Ang mga taong ito kahit araw-araw nating pagmumurahin, para lang mga baliw na tatawa-tawa.


Hindi talaga sila magsisipagbitiw. Kasingtigas ng adobe ang kapal ng mukha!


The post KAHANGA-HANGANG PM CHUNG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAHANGA-HANGANG PM CHUNG


No comments:

Post a Comment