HINDI lamang nagkabuhol-buhol ang trapiko kundi nangamba rin ang awtoridad sa maaaring idulot ng epekto ng kemikal nang mabangga ang isang trak na may dalang ‘caustic soda’ at kumalat sa kalsada sa Davao City kagabi, Abril 28.
Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa aksidente o sa pagkalat ng kemikal na naganap alas-10:125 nitong Lunes ng gabi sa may Buhangin Diversion Road.
May dala ang naturang trak ng caustic soda, isang “toxic non-flammable material na maaaring magdulot ng kapansanan kapag nalanghap o dumikit sa balat ng tao.
Hindi lang ang kapulisan ang naging abala kundi maging ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Hazardous Materials (HazMat) team ay rumesponde na sa aksidente.
Ayon sa US National Library of Medicine, ang caustic soda, o sodium hydroxide, ay isang isang malakas na kemikal na ginagamit sa industrial solvents at cleaners.
Ang ilan sa mga sintomas ng pagkalason ng sodium hydroxide ay kabilang ang hirap sa paghinga, lung inflammation, matinding pananakit ng ilong, tainga, labi o dila at pagkasunog ng balat.
The post ‘Caustic soda’ kumalat sa kalsada sa Davao appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment