Monday, April 28, 2014

Driver ni Direk, sweet lover din niya!

NALOKA ang isang lady network executive sa isang high-profile film and TV director nang makita niya itong ihatid sa loob ng studio ng kanyang driver. Normal namang alalayan ng driver si gay director at dalhin ang ibang gamit nito pero ikinagulat nito nang bigyan ng driver ng passionate kiss in the lips si Direk, na sumikat noong Dekada-80.


Medyo na-eskandalo ang isipan ng lady network executive sa natunghayang eksena at agad niya itong sinabi sa katabing babaeng kaibigan.


“Baka naman friendly kiss lang?” pakli ng katabi.


“Eh, bakit passionate kiss ang ginawa nu’ng driver niya at si Direk?” tanong muli ng lady network executive, or words to that effect. Nauwi na lang sa tawanan ang tsikahan ni lady network executive at ng kanyang kaibigan.


Sino si Direk? Itanong natin sa isang senior film and TV scriptwriter na connected din sa network kung saan regular na gumagawa ng mga teleserye si gay director.


——


SABI ni Alex Gonzaga na tuluyan na niyang isinara ang pinto kay Ryan Bang at sa panliligaw nito sa kanya. Bilang isang kapatid lamang raw ang turing niya sa kanyang kasamang komedyanteng Koreano sa Banana Nite.


“Brotherzoned na si Ryan,” Alex said. “Actually, hindi naman siya nanliligaw nang pormal pero lagi niya ako niyayaya at nililibre sa labas.


“Kapag tinatanong ko naman siya ‘Hoy Ryan, nanliligaw ka ba?’ sasabihin niya na ma-feeling daw ako at hindi siya nanliligaw. Puro lang kami biruan.


“Pero sa tingin ko nanliligaw siya talaga,” natatawang pahayag ni Alex.


Dagdag niyang wala muna siyang panahon para mag-entertain ng suitors at nakatuon muna siya sa kanyang career.


Sinuportahan naman siya sa desisyon niyang ito ng kanyang Ate Toni Gonzaga, na co-host din sa upcoming PBB All-In reality show.


“Dapat lang na huwag muna siyang mag-boyfriend dahil kahit 25 na siya ay nasa 12-year old pa rin ang kanyang isip. Mayroon na siyang knowledge, pero kulang pa siya sa discernment,” sabi ni Toni.


Huling na-link romantically sa magandang TV host ang young Roderick Paulate lookalike na si Kean Cipriano.


——


HINDI kataka-takang naging box-office hit (though not a blockbuster as some paid hacks claim) ang pelikulang Diary Ng Panget dahil kahit mga baguhan ang mga bida rito ay may ready market na ito — ang teen market na marami dito ay nabasa na ang nobelang unang natunghayan sa Wattpad pero kalaunan ay naging available na rin as a printed medium.


Walang dating ang mga bida sa film version ng bestselling book except for Yassi Pressman who I predict will be an important star in the near future. Magaling siyang umarte at luminous ang kanyang mukha that lights up the screen whenever she’s in it.


——


TAHIMIK lang at hindi mahilig sa publicity si Valenzuela City Congressman Sherwin Gatchalian pero masasabing siya ang arkitekto ng makabagong lungsod na nagpuno sa kabang bayan noong siya’y nakaupo bilang Punong Ehekutibo.


Tuloy pa rin ang Win Action Center ni Cong. Sherwin na binubuo ng mga volunteer na kaisa niya sa pagbibigay ng basic needs sa kanyang mga nasasakupan.


000

For comments puwede n’yo akong itext sa 09088107598 or i-email sa rod.yabis@yahoo.com.


The post Driver ni Direk, sweet lover din niya! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Driver ni Direk, sweet lover din niya!


No comments:

Post a Comment