KINALAMPAG na ng liderato ng Kamara si Justice Secretary Leila de Lima dahil hindi anila natututukan ang mga kaso ng pagpatay sa journalists kundi ang pork barrel scam.
Giit ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na hindi sapat ang paghawak ng DOJ sa kaso ng media killings sa bansa dahil karamihan ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.
Mungkahi ni Belmonte, na isa ring dating journalist, kailangan ng bumuo ng special team ang Aquino administration para matutukan ang mga kaso ng pagpatay sa journalists at mapanagot ang mga may sala.
Ganito rin ang sentimyento ni Abakada Rep. Jonathan dela Cruz, Independent Minority Bloc member, kung saan sinisisi rin nila si Justice Sec. Leila de Lima sa kakulangan sa mabagal na pagresolba ng kaso ng media killings sa bansa.
Aniya, hindi na nagagawa ni de Lima ang kanyang tungkulin at masyadong nakasentro ang DoJ sa pork barrel scam at napapabayaan na ang ibang mga kaso.
Ayon naman kay dela Cruz, dati ring miyembro ng media na mahalagang mabalanse ng kalihim ang kanyang atensyon sa lahat ng mga kaso at tigilan na ang sobrang pagsubaybay Napoles Teleserye.
The post De Lima pinuna sa mabagal na pagresolba sa media killings appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment