HINAHANTING na ng awtoridad ang isang pulis na bumaril at nakapatay sa sariling misis na principal ng isang paaralan sa Tacurong.
Kinilala ang biktima na si Saligyn Pabustan-Ortiz, may tatlong tama ng bala sa ulo, isa sa sentido at isa sa noo mula sa 9mm na baril.
Ayon kay Police Senior Inspector Gary Marfil, chief of police ng President Quirino, Sultan Kudarat, principal ng GriƱo Elementary School sa Barangay Gansing, Tacurong City ang biktima.
Ayon kay Marfil, nagkaroon muna ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa dahil sa away sa pamilya na nagresulta sa krimen.
Tumakas ang suspek na hindi muna pinangalanan ni Marfil dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mga ito ngunit kinumpirma nito na kasapi ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang salarin.
May lead na ang awtoridad sa pinagtataguan ng suspek.
The post School principal todas sa mister na parak appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment