Monday, April 28, 2014

PAGKABALAM AT KAWALAN NG AKSYON SA GRAPHIC HEALTH WARNINGS LAW

ang inyong lingkod hilda ong HINIHILING ng mga anti-smoking advocate sa kongreso na ilabas ang katotohanan tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo sa pamamagitan ng pag-apruba sa graphic health warnings bill sapagkat ang patuloy na kawalan ng aksyon ay katulad ng paglalagay sa panganib ng buhay ng ating mga kababayan.


Ayon kay New Vois Association of the Philippines (NVAP) President Emer Rojas, ang pagkakaroon ng mga pictorial warning sa pakete ng sigarilyo ay isang epektibong paraan upang maiparating sa kinauukulan ang masamang epekto sa kalusugan ng paninigarilyo.


Sa mga bansa na kung saan ang graphic health warnings ay establisado na sa nakaraang 8 taon, tulad sa Australia, ay napatunayan na ang mga larawan sa pakete ng sigarilyo ay malakas ang emotional impact sa mga naninigarilyo at mga posibleng gumamit nito.


“Sa pag-aaral na ginawa sa Australia noong 2008 ay nagpapakita na karamihan sa mga naninigarilyo at kakahinto pa lamang nito ay naging epektibo ang graphic health warnings hindi lamang ‘kapanipaniwala’ kundi nakapagbibigay rin ng kaalaman sa masamang dulot ng paninigarilyo, at may malaking potensyal na makadudulot ng masamang epekto sa kalusugan sa paglawak ng paninigarilyo. Ito ang dahilan kung bakit gusto namin maglagay ng mga litrato sa mga pakete ng sigarilyo dahil kung bibigyan natin sila ng paalala, binibigyan na rin natin sila ng karapatan sa kanilang kalusugan,” sabi ni Rojas.


Sa pag-aaral sa Australia, matapos ang dalawang taon bago maisakatuparan ang graphic health warnings, ay nagpakita na mahigit sa kalahati ng mga naninigarilyo ay nagpasya na ng paghinto rito matapos mailabas ang bagong pakete na may babala.


Sinabi rin ni Atty. Irene Reyes, managing director of the Health Justice, na ang picture-based warnings ay kinakailangan talaga ng mga Filipino na hindi marunong magbasa at makaintindi sa text warnings.


The post PAGKABALAM AT KAWALAN NG AKSYON SA GRAPHIC HEALTH WARNINGS LAW appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGKABALAM AT KAWALAN NG AKSYON SA GRAPHIC HEALTH WARNINGS LAW


No comments:

Post a Comment