Monday, April 28, 2014

Pagkamatay ng OFW sa Singapore binubusisi na

IMINUNGKAHI na ng embahada ng Pilipinas sa Singapore na magkaroon ng special investigation kaugnay sa pagkamatay ng CapizeƱo overseas Filipino worker (OFW).


Ayon kay Foreign Affairs assistant secretary Charles Jose, nagpadala na ng request ang embahada ng Pilipinas sa Singapore para sa gagawing Coroners Inquiry o Special Investigation para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng OFW na kinilalang si Milagrosa Altoveros Okamoto.


Sinabi ni Jose, ginagawa ng ahensiya ang lahat upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ng pamilya sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Okamoto.


Pinayuhan din ng opisyal ang pamilya ng OFW na makipag-ugnayan sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs para malaman ang development sa ginagawanng imbestigasyon.


Matandaang magkasalungat na report ang natanggap ng pamilya Altoveros na inihayag na nahulog ang biktima nang akyatin ang ikalimang palapag ng condominium ng employer sa Yio Chu Kang Road matapos masarhan ng pinto sa pagtatapon ng basura.


Lumabas din sa isang report na nahulog ito habang naglilinis ng bintana ng bahay at aksidenteng nadulas.


Nais malaman ng pamilya kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng biktima.


The post Pagkamatay ng OFW sa Singapore binubusisi na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkamatay ng OFW sa Singapore binubusisi na


No comments:

Post a Comment