TINUPOK ng apoy ang isang pabrika ng extension cord sa Caloocan City kagabi.
Umabot sa unang alarma ang sunog na tumupok sa pabrika pati ang ANNKIMTED Enterprise Company na pag-aari ng isang Tommy Sy sa 4th St. Barangay 108.
Ayon sa mga trabahador ng pabrika, nag-umpisa ang usok alas-11:00 ng gabi sa ikalawang palapag kung saan nakaimbak ang mga papel at karton.
Idineklarang fire out ang lugar ala-1:15 kaninang madaling-araw.
Wala namang nasaktan sa insidente.
Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at tinatayang nasa humigit kumulang sa P100,000 ang halaga ng pinsala.
The post Pagawaan ng extension cord sa Caloocan nasunog appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment