Tuesday, April 29, 2014

KAHIT KAMAG-ANAK INC. OKS LANG KAY MANAGER

johnny_magalona1036 IPAGPATULOY natin ang pagbubulgar sa mga violation at katiwalian na pinaggagawa ni National Food Authority-East District Office (NFA-EDO) Mngr. Ray Villacorta.


Ukol naman ito ngayon sa paglabag nito sa ipanagbabawal na KAMAG-ANAK INCOPORATED. Sa patakaran kasi ng NFA, bawal na bawal ang mga magkakamag-anak sa mga retailer.


Pero simula nang maging NFA-EDO manager itong si Villacorta ay pinapayagan na nito ang mag-asawa, anak, kapatid at maging ‘yung first time lang na makakukuha ng NFA license.


Pinapayagan din ni Villacorta ‘yung mga nag-a-apply ng license nang kasabay sa pag-accredit din dito.


Ang nakatutuwa pa nito, kapag kaalyadong retailer ni Villacorta ang nag-aaplay ng accreditation, kahit wala ito sa loob ng palengke, ay ia-accredit niya ito bilang mga major market. Ang galing, no?


Pero ang masakit, ‘pag ang isang retailer na gustong magpa-accredit, kapag hindi siya marunong maglangis o magtongpats kay Mngr. Villacorta, ay iko-close accreditation niya ito.


Naku po…namputsa naman!


Heto pa ang isang katarantaduhan ni Villacorta kapag hindi niya type ang isang nag-aaplay ng accreditation: kaagad niya itong ii-stop accreditation.


O kaya naman sasabihin niya sa mga retailer ay nasa director’s office na ang mga application kahit wala pa naman. Niloloko ni Villacorta ang mga retailer pero ang totoo ay nasa drawer lang niya ang mga application na halos inaamag na. Walang actions. (ITUTULOY)


PASUGALAN NI KAPITAN SA BATANGAS CITY


NAKUPO, ang lakas ng patupadahan at iba pang mga iligal na pasugalan ni Kap. Marasigan sa Brgy. Pinamukan, Silangan, Batangas City.


Bukod sa patupadahan ay malakas din daw ang pasakla, color games at beto-beto ni Kap. Marasigan.


Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinatitigil ni Batangas PD Sr./Supt. Omega Fidel ang mga pasugalan ni Kap. Marasigan. Gano’ng halos buong mga taga-Brgy. Pinamukan at kalapit na barangay ay nagrereklamo.


Magkano ba ito, PD?


***

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post KAHIT KAMAG-ANAK INC. OKS LANG KAY MANAGER appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAHIT KAMAG-ANAK INC. OKS LANG KAY MANAGER


No comments:

Post a Comment