NAGSIMULA na ang state dinner sa Rizal Hall, Malakanyang sa pangunguna nina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang toast mula kay Pangulong Aquino.
Aabangan naman ang isang kanta mula sa The Madrigal Singers na Kaisa-Isa Niyan/ Da Coconut Nut na susundan naman ng awitin mula kina Leo Valdez, Bituin Escalante, The Philippine Madrigal Singers, Power Dance Company na Hibang Sa Awit/ Balut.
Hindi naman magpapahuli si Kuh Ledesma dahil kakantahin niya ang Let’s Stay Together.
Kasama rin sa programa sina Apl. de. Ap., Bayanihan, Philippine Dance Company at Power Dance para naman sa saliw ng awiting I’ve Got A Feeling/ Singkil na tatapusin naman ng awit na Happy na kakantahin naman nina Apl. de.Ap, Kuh Ledesma, Bituin Escalante, Leo Valdez, Power Dance, The Philippine Madrigal Singers at Bayanihan Philippine Dance Company.
Ang mga ihahain naman na pagkain ay Lobster Kilawin Carpaccio, Baby Sprouts at Fiddle Fern with Calamansi Jam (Kilawing Ulang, Pako at Sari-Saring Talbos na may Halayang Kalamansi.
Ilalatag din sa mesa ang Seafood Stew with River Prawns, Scallops at smoked Mussels, Sweet Banana in Rich Tomato at Coriander Sauce (Pocherong Lamang Dagat na may Suahe, Scallops, at Tinapang Tahong).
Ihahanda rin ang Lapu-Lapu na may Pili Nut Crust, Nilupak na Kalabasa at Guinataang Gulay.
Ihahain din sa dinner ang US Prime Rib Inasal, Nilupak na Kalabasa at Samu’t Saring Gulay mula sa Batangas.
Samantala, ang dessert naman ay Buko Lychee Sorbetes na may Mangga’t Macapunong Napoleones.
Magtatapos ang hapunan sa kape at tsaa.
The post State dinner nagsimula na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment