Monday, April 28, 2014

Kampo ng Abu Sayyaf, nakubkob ng militar

NASA kamay na ng militar ang isa sa mga kampo ng Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul, Sulu.


Pinangunahan ng mga miyembro ng 2nd marine brigade ang pag-atake sa Sitio Kan Kimao sa pamamagitan ng mortar shelling.


Ayon kay Brig. Gen. Martin Pinto, Commander ng 2nd Marine Brigade, binubuo ang kampo ng nasa 50 kubo na maaaring mag-accommodate ng higit sa 100 bandido.


Mayroon din anyang maayos na water source, mga bunker at nasa gitna ng kagubatan ang ASG Camp na nagsisilbi ring training ground ng mga bagong recruit na miyembro.


Patuloy ang hot pursuit operations ng militar sa mga nakatakas na miyembro ng teroristang grupo.


The post Kampo ng Abu Sayyaf, nakubkob ng militar appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kampo ng Abu Sayyaf, nakubkob ng militar


No comments:

Post a Comment