Tuesday, April 29, 2014

TANG NA!

baletodo TANGNA. Noon, ang mga binabato ng Malacañang ay mga kalaban o oposisyon, ang yayabang, halos sabihin nila na pawang “guilty beyond reasonable doubt” ang isinasangkot sa nakadidiri na pork barrel scam.


Ngayong nagsalita na si pork barrel queen Janet Lim-Napoles, puro naman sila deny-to-death at tila nananakot pa.


Anak kayo ng kambal na kulugo.


Itong sina Senador Franklin “Porky Baby” Drilon, Alan “Ngakngak” Cayetano, Chiz “Moso” Escudero, Antonio “Hangin” Trillanes saka sina House Speaker Sonny Belmonte ay tila mga naiihi sa pantalon sa paghamon kay Janet Napoles. Bakit?


Mano ba na hintayin ninyo ang kanyang testimonya na ipinakalat sa walong tao na pinagkakatiwalaan ng reyna ng matiwaling pork barrel.


‘Yung nasa kamay ni Justiis Leila de Lima ay may kulang na pangalan dahil na sa pinal at totoong kumpleto na huling paalam ni Napoles. Wait ninyo iyan.


At itong si Budget Secretary Butch “Too” Abad naman ay nagkikikisay na nagsabing mali raw na tawagin siyang pork barrel king batay sa tawag ng isang pahayagan sa kanya.


I fully agree with him diyan. Hindi hari si AhhhhBAD kundi prinsipe lamang.


May hari na, hindi ba? ‘Yung boss niya!


Ngayon, mukhang hindi sila makatulog.


KARMA na iyan. Kahit anong paglilinis pa ni De Lima sa hawak niyang listahan ni Napoles, marami ang may kopya na maaaring lumutang anomang oras sa sandaling gaguhin tayo ni Tig Lima!


Sana rin ay hindi mangibabaw ang pulitika at pakikisama ni dating Senador at rehab czar Ping Lacson kay Pangulong Noynoy Aquino.


Kung ano ang alam niya batay sa listahan ni Napoles na ibinigay sa kanya, ipaglaban niya.


Sabagay, tiwala ako sa huling salita ni Lacson na kapag binaboy ni De Lima ang lista, siya mismo ang papalag!


Ang hirap kasi sa Malacañang, ginagawa nilang gago, bobo at inutil ang taumbayan sa kaso ng pork barrel scam.


Lumabas na nga ang listahan ng Commission on Audit (COA) noong 2011 at 2012, aba, ipinilit na sa panahon pa raw ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tangna!


Todo maniobra ang Malacañang sa “testimonya” ni Janet LN. Ginugulo pati ang mass media.


Iba-iba ang inilalabas na anunsyo para malito ang taumbayan. Sige lang.


Ituloy ninyo ang panloloko sa mamamayan.


Malapit na ang hinihintay ninyo – palalayasin diyan sa Malacañang!


The post TANG NA! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TANG NA!


No comments:

Post a Comment