Tuesday, April 29, 2014

Toni Gonzaga, box office queen next year

KAHIT wala pang statement na nanggagaling sa Star Cinema, malakas ang bulung-bulungan na umabot na sa 500 million ang kabuuang kinita ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na Starting Over Again sa Star Cinema.


Ayon pa sa figure na ibinigay sa atin ng isang impormante, naka-P420 million daw ang movie ni Toni at Papa P sa nationwide showing nito last February at P80 million naman ang kinita para sa International Screening nito sa iba’t ibang bansa.


At doon sa mga fans ni Toni na nangungulit sa daily showbiz radio program nina BFF Pete A with amigong Abe Paulite a.k.a Papa Umang na Star Na Star sa DWIZ (882 KHZ) kung kailan ibibigay sa idolo nila ang korona sa pagiging bagong Box Office Queen?


Antayin niyo lang dahil next year after Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz na muling kinoronahan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation para sa taong ito bilang Box Office King and Queen para sa pelikula ng dalawa na It Takes A Man and A Woman na humamig ng lampas P300M sa takilya, posibleng next year ay sina Toni at Piolo naman ang magkamit ng nasabing crown lalo’t mahirap nang mapantayan ang itinalang record ng pelikula nila sa takilya na ngayon ay itinuturing na Highest Grossing Movie ng 2014.


By the way, binigyan-din pala ng award ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation si Toni bilang Most Popular Novelty Singer para sa awitin nitong Kahit Na.


Tuloy-tuloy niyo na ring mapanonood ang singer-actress sa Pinoy Big Brother All In pagkatapos ng Aquino & Abunda Tonight sa Kapamilya network. Nag-umpisa uling magbukas ang bahay ni Kuya last Sunday kung saan kasama ni Toni sa show sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, John Prats and sister na si Alex Gonzaga na sobrang nagulat nang ipasok ni Big Brother bilang housemate.


At knowing Alex na very kalog, tiyak na magiging riot ang mga eksena nito sa Pinoy Big Brother house kasama ang mga bagong 17 housemates ni Kuya. Maliban sa nag-trending worldwide ang show ay nakakuha ito ng mataas na rating sa kanilang pilot episode. Congrats sa buong PBB team gyud!


3 TELESERYE NG DREAMSCAPE ENTERTAINMENT NAMAMAYAGPAG SA ERE


BAWING-BAWI ang buong team ng Dreamscape Entertainment Television led by Sir Deo Endrinal at lahat ng mga artistang nagsisiganap magmula sa teleserye nina Julia Barretto at Enrique Gil na MiraBella, Dyesebel ni Anne Curtis kasama sina Gerald Anderson at Sam Milby at certified na nangungunang teleserye ngayon sa Primetime Bida na Ikaw Lamang kung saan bida sina Coco Martin at Kim Chiu.


Consistent sa number one position ang Ikaw Lamang sa loob ng isang linggo at gabi-gabi ay hinahangaan talaga ng mga manonood ang bawat eksena na kanilang nasasaksihan. Walang tapon ang mga eksena at lahat ng mga artista na kasama rito ay pawang magagaling pagdating sa aktingan.


Yes lalo pang humusay rito sina Jake Cuenca as Franco at Julia Montes na gumaganap sa karakter ni Mona. Tunay ngang matatawag na master teleserye ang Ikaw Lamang.

Samantala, dahil sa inabangan talaga ng televiewers ang pagganda ni Mira (Julia) sa MiraBella at lahat ay nabighani sa angking ganda, pinakain ni Julia ng alikabok sa rating na 21.5% ang katapat na My Love from the Star sa GMA na 12.5% ang rating.

Pumapangalawa naman sa Ikaw Lamang ang Dyesebel ni Anne na base sa latest survey ng Kantar Media: National Ratings ay nagtamo ito ng 30% kontra sa Kambal Sirena na 18% lang. Pare-parehong hindi pinagsasawaan ang mga nabanggit na show dahil talaga namang lahat ng mga hinahanap ng viewers ay nasa tatlong teleserye na ng Dreamscape.


Mapanonood ang MiraBella mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol at after TV Patrol papasok naman ang Dyesebel at susundan ito ng Ikaw Lamang na pare-parehong napapanood sa Primetime Bida sa Kapamilya network.


ISABELLE DAZA, JOSE MANALO, BEST ACTRESS AT BEST ACTOR SA 1ST EB DABARKADS AWARDS


DAHIL sa kanilang taunang Lenten Drama Specials, nagtatag na rin ng kanilang sariling award-giving body ang number 1 and longest-running noontime variety show sa Local TV na Eat Bulaga na tinawag nilang EB Dabarkads Awards.


At para sa kanilang unang taon ng pagbibigay ng parangal sa mga EB Host na nagsiganap sa iba’t ibang episode ay kumuha talaga ang Tape Incorporated ng mga kilalang jurors sa acting kung saan ang mga ito ang s’yang boboto kung sinu-sino ang mga deserving na magwawagi ng awards?


Syempre credible ito dahil may mga juror na pinanood talaga ang acting ng bawat EB Dabarkads. At narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo. Para sa Best Supporting Role, wagi si Dabarkads Wally para sa mahusay na pagganap sa episode na Anyo ng Pag-ibig at si Ryzza Mae Dizon para sa Best Child Performer para sa kauna-unang drama appearance sa Pangalawang Bukas na tinanghal rin na Best Story at Jose Manalo bilang Best Actor.


Ang pinaka-surprising sa lahat at big revelation ay itong si Isabelle Daza na nanalong Best Actress na for us ay deserving naman talaga dahil sa galing ng portrayal sa Ilaw Sa Kahapon.


Hindi lang tinututukan ng milyong-milyong viewers ang EB Lenten Specials kundi dinumog pa ang Special Advance Screening nito sa iba’t ibang Unibersidad. To all the winners, ang aming pagbati at pagsaludo sa inyong husay at galing gyud!


The post Toni Gonzaga, box office queen next year appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Toni Gonzaga, box office queen next year


No comments:

Post a Comment