Tuesday, April 29, 2014

Kompensasyon ng mga beteranong Pinoy inaayos na ni Obama

KASALUKUYAN nang inaayos ng Kongreso ng Estados Unidos at ng ilang kaukulang units ang pagbibigay-kompensasyon sa ilang Fillipino war veterans na nakasama ng tropang kano noong World War II.


Tinanggihan noon ng US government ang mga Filipino war veterans na makatanggap ng kompensasyon matapos makiisa sa pakikipaglaban noong World War II.


“ We passed a law, reviewed the records, processed claims, and nearly 20,000 Filipino veterans from the World War II and their families finally received the compensation they had earned. And it was the right thing to do,” anito.


Partikular na kinilala ni Pres. Obama ang ilang Filipino veterans na nakipaglaban sa Bataan at Corregidor.


“Some fought in the resistance, including nurse Carolina Garcia Delfin. These veterans are now in their nineties. They are an inspiration to us all, and I’d ask those who can stand to stand or give a wave so that we can all salute their service,” anito.


Para kay Pres. Obama, ang kabayanihan ng mga Filipino war veterans ay nagpamalas ng katapangan na naging susi para sa kalayaan ng sambayanang Pilipino.


Nauna rito, pinuri naman ni Pres. Obama ang mga Filipino war veterans na nakipaglaban kasama ang puwersang Amerikano noong World War II.


Sa talumpati nito sa may 300 Filipino at American soldiers sa Fort Bonifacio, Taguig ay tanggap ni Pres. Obama ang hindi makatarungan na turing ng bansang Amerika sa mga Filipino war veterans na hindi nakasama sa binibigyan ng kompensasyon ng nasabing bansa.


“Sadly, the proud service of many of these Filipino veterans was never fully recognized by the United States. Many were denied the compensation they had been promised. It was an injustice,” aniya pa.


The post Kompensasyon ng mga beteranong Pinoy inaayos na ni Obama appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kompensasyon ng mga beteranong Pinoy inaayos na ni Obama


No comments:

Post a Comment