Monday, April 28, 2014

Construction worker utas sa sigarilyo

BAYAMBANG, PANGASINAN – Dahil sa isang stick ng sigarilyo ay napatay ang isang construction worker kagabi.


Dead-on-the spot si Marcos Sanchez, 47, ng Barangay Tococ West, Bayambang, nang pagsasaksakin ng suspek na si Rodrigo Perez, 40, ng Barangay Tococ East, nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-6:30 p.m. sa Barangay Plaza ng Tococ East, nang humingi ang suspek ng isang stick ng sigarilyo sa biktima.


Nang hindi nagbigay si Sanchez ay nagalit ang suspek na agad bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima.


Tumakas naman si Perez makaraan ang krimen.


The post Construction worker utas sa sigarilyo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Construction worker utas sa sigarilyo


No comments:

Post a Comment