MAKARARANAS ng mala-impyernong init ang lungsod ng Davao makaraang ipatupad ang mas mahabang brownout na tatagal pa ng hanggang anim na oras sa lungsod at mga kalapit na lugar.
Sinisi ng Davao Light and Power Company (DLPC) ang humabang brownout dahil sa kakaunting supply mula sa Mindanao Grid.
Ayon sa kompanya, nasa 220 megawatts ang kabuuang energy supply nila subalit pumapalo sa 320 megawatts ang peak demand kaya’t anim na oras ang katumbas ng diperensyang 100 megawatts.
Apektado ng brownout ang Davao City at Panabo City ng Davao del Norte at mga bayan ng Carmen Dujali at Sto. Tomas.
The post Brownout, mararanasan sa Davao City appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment