Wednesday, April 30, 2014

3 OFW SUNUGIN AT MEDIAMEN KAY PNOY

_benny antiporda MALULUNGKOT na usapin ang dumarating sa atin kagaya ng pagkakadamay ng mga overseas Filipino worker sa Middle East Respiratory Syndrome at kawalan ng linaw na aksyon ng pamahalaan sa media killings.


3 PATAY SA MERS, 12 INFECTED


KUNG hindi tayo nagkakamali, tatlong OFW na ang namamatay sa mga bansang Arabo.


Tig-isa ang mga bansang Saudi Arabia, United Arab Emirates at Dubai ng mga OFW na namatay dahil sa MERS.


Iniuulat ding may 12 na nahawahan ng MERS sa Saudi Arabia at UAE. Tig-6 ang nasabing mga bansa.


SUNUGIN SILA


DAHIL sa labis na pagmamahal natin sa ating mga miyembro ng pamilya, karaniwang gusto nating makita, mayakap at mahalikan ang bangkay ng mga namatay sa atin.


Pero dahil nakahahawa ang MERS na posibleng ikamatay rin maging ang mga miyembro ng pamilya at nakikipaglamay, pinakamabuting hindi na paabutin pa sa Pilipinas ang bangkay ng mga ito.


At hayaan nating cremation o pagsunog na lang ang remedyo para sila mailibing nang maayos at walang mahahawahan.


Tiisin na lang ng mga naulila na hindi nila makita ang kanilang mga mahal sa buhay na biktima ng MERS lalo para sa kanilang kabutihan naman ang cremation at hindi pagpunta siguro sa lamayan sa ibang bansa.


KUNG MAY MAMALASIN PA


HALIMBAWANG may mamalasin pa sa nasa 12 OFW na biktima ng MERS na karaniwan ay mga nurse, marahil ay ipaubaya na natin sa mga kinauukulan ang paglilibing sa mga ito.


At aasahan na rin natin na daraanin ng mga awtoridad sa mga bansang Arabo sa cremation o pagsusunog ng bangkay ang maayos na paglilibing.


Hilingin na lamang natin ang ayuda ng mga pamahalaang Arabo kung paano ang mga sahod at benepisyo ng mga biktima.


Gayundin na hihilingin natin ang maayos na pag-ayuda rin ng pamahalaang Pilipinas sa mga biktima. Lalo na ang kanilang mga naulila.


Alalahanin na sa pamilya-OFW, karaniwang sa mga OFW umaasa ang kabuuang pamilya.


Paano gumampan ng mahalagang papel ang mismong pamahalaan bilang pagbibigay-pugay sa mga OFW na salbabida ng pamahalaan sa krisis sa pananalapi?


105 PATAY SA 345 INFECTED


HANGGANG kamakalawa, may 105 na ang patay sa MERS, kabilang na ang tatlong OFW.


Rekord ito ng World Health Organization na nababahala na sa mabilis na pagdami ng mga biktima, lalo na mula sa nakalipas na buwan na nasa 150 ang nahawaan mula sa kabuuang 345 na naimpeksyon na.


Karamihan sa mga namatay ang matatagpuan sa Saudi Arabia at sumunod dito ang UAE.


Mayroon na ring namatay sa Malaysia na kapit-bansa lamang natin.


11 BANSA MAY MERS


SA mga ulat na natatanggap natin, narito ang mga bansang may rekord ng MERS simula noong 2012 hanggang sa kasalukuyan.


Labing-isang bansa ang mga ito na kinabibilangan ng France, Italy, Jordan, Kuwait, Malaysia, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Tunisia, United Kingdom, United Arab Emirates (UAE), Egypt, Indonesia, Philippines at Abu Dhabi.


MAGBANTAY NANG TODO


SA dami ng mga bansang apektado ng MERS, nangangahulugan, mga Bro, na dapat magbantay ang lahat, kahit saan sa bansa.


Ito’y dahil sa pag-uwi o pagbabakasyon ng libo-libong OFW mula sa nasabing mga bansa.


Iba pa, mga Bro, ang mga turista na dumarating mula sa nasabing mga bansa.


Hindi sapat ang pagbabantay ng mga awtoridad sa ating mga paliparan at pier na pinapasukan ng mga OFW.


Tayong lahat na inuuwian ng mga OFW at turista, basta may mapansin tayong mga palatandaan ng MERS ay mag-report agad sa pinakamalapit na ospital, lalo na ang mga ospital ng gobyerno na may kakayahang tumingin sa MERS.


O anoman ang makakayanan natin, basta mailapit natin sa mga kinauukulan ang ating mga suspetsa na may nagkakasakit nito.


SINTOMAS


HETO ang mga palatandaan ng MERS, mga Bro.


Basta may nahihirapang huminga at may kasamang lagnat, ubo at problema sa pag-ihi, mag-ulat na tayo sa mga kinauukulan.


‘Yan ay kung ang mga mayroon nito ay ating mga bisita na maaaring galing sa ibang mga bansa, kamag-anak man natin o dayuhan.


Hindi masamang hatakin natin ang mga ito na magpa-check up sa mga doktor para lang matiyak kung nagdadala sila ng MERS o hindi.


BAHALA ANG PAMAHALAAN


KARANIWANG problema natin ang napakamahal na check up ng mga doktor, klinika at ospital.


Sa hirap ng buhay, unahin nating ipatingin sa mga doktor, health center, klinika o ospital ng gobyerno ang mga posibleng MERS carrier.


Sa pagkakaalam natin, mga Bro, libre ang check up sa mga ito.


Dahil inoobliga ng pamahalaan ang sarili nito na pigilan ang pagdating at paglaganap ng sakit na ito sa ating bansa.


40% PATAY


SINASABING mas mabagsik ang MERS kaysa sa SARS na pumatay, lalo na sa Asya noong 2002-2003, ng may 776 katao.


Sa MERS, pinakamababa ang 40 porsyento sa mga biktima ang tiyak na patay.


Kaya naman, mga Bro, tayong lahat ay magtulungan sa pagbabantay laban sa sakit.


Huwag nating daanin sa albularyo o pagpapabaya at pagturing lang na ordinaryo ang nasabing mga sintomas.


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post 3 OFW SUNUGIN AT MEDIAMEN KAY PNOY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 OFW SUNUGIN AT MEDIAMEN KAY PNOY


No comments:

Post a Comment