Tuesday, April 29, 2014

MARIKINA GOES AFTER DRUG BOSSES

abiso4 KAPAG pinutol ang puno, ‘di na ito mamumunga.


Gayundin pagdating sa illegal drugs. Kapag ang main source or major players ang nahuli at napakulong, matitigil ang daloy ng droga sa maliliit na pushers.


Ganyan ang stratehiya ng Marikina sa pagsugpo ng iligal na droga sa mga lugar na sinasakupan nito.

Kaya sunod-sunod ang pagkakabasyo ng milyon-milyong halaga ng shabu sa Marikina.


Nitong nakaraang dalawang linggo ay tatlong malaking operasyon ang ginawa sa Brgy. Tumana na ikinapilay ng mga sindikato ng droga rito.


Hataw agad si Police Senior Superintendent Vincent Calanoga sa pagsugpo ng iligal na droga at pilayan ang drug syndicates matapos na bigyan ni Mayor Del R. de Guzman ng marching orders na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad.


Nais kasi ni Mayor Del na manumbalik ang pagiging Best Police Force ng Marikina sa buong Eastern Police District (EPD).


At the rate they are going, ‘di malayong maging best police force ang Marikina sa buong Metro Manila. Dahil kasi ito sa team effort approach nina Mayor Del, S/Supt. Calanoga, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, Kon. Frankie Ayuson at Rep. Miro Quimbo.


Sa pamamagitan ng resolusyon bilang 65 Serye ng 2014, kinilala ng pamahalaang lungsod ng Marikina si Calanoga, ang Chief of Police ng PNP-Marikina, at ang mga pulis na kasama sa buy-bust operation na isinagawa noong ika-11 ng Abril sa Singkamas St., Brgy. Tumana na roon nahuli ang limang (5) suspek na hinihinalang tulak ng droga.


Nakuha sa mga ito ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang street value na PhP6M, 41 piraso ng bala ng kalibre .45 at 21 pirasong bala ng 9MM, dalawang bag ng pera na naglalaman ng pera na humigit kumulang sa PhP200,000 at tatlong (3) unit ng motorsiklo.


Samantala, nito lang ika-27 ng Abril, nadakip ng mga pulis-Marikina ang mga suspek na sina Amino Malaatao Abdul, Asmila Afuan Gimba at Ian Lawrence Merdegia Banares sa isinagawang buy-bust operation sa Mais St., Brgy. Tumana. Nakuha sa mga suspek ang 66 piraso ng maliliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber at .9MM na baril, 8 bala ng .45 caliber, 6 bala ng .9MM, 44 bala ng .22 caliber, dalawang digital weighing scale, at 6 cellphone.


Marami ang nangangamba na baka nagpaparamdam lamang itong si Calanoga. Baka raw hanggang umpisa lang.


Pero, handpicked ni Deputy Director General Felipe L. Rojas, Jr. itong si Calanoga. Maganda naman daw ang track record nito, sabi pa nga ni kosa, non-alquitran ng Philippine Star.


Saludo ako sa ipinakikitang tikas at determinasyon ni Calanoga. Low profile pa siya at hindi madaldal. Pinababayaan niya na ang kanyang mga accomplishment ang magsalita para sa kanya. Siya na nga ba ang matagal nang hinihintay ng mga Marikenyo para ganap na masugpo ang kriminalidad sa bayan namin?


The post MARIKINA GOES AFTER DRUG BOSSES appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MARIKINA GOES AFTER DRUG BOSSES


No comments:

Post a Comment