Tuesday, April 29, 2014

Na-rape rin daw siya! O, siya pagbigyan!

HEADLINE everyday si Kris Aquino. ‘Yan yata ang gusto ng hitad dahil ayaw siyang patalbog kaninoman. Bad or good publicity, like na like niya. Nang mabalitang umayaw na ang lover kuno niyang Mayor ng Quezon City, may pinakabago na naman daw gimmick ito. Meron na siyang bagong mamahalin na halos takasan na ng bait itong diehard niyang fan na si Aling Rosenda na kababayan ni James Yap. Bago na namang boyfriend.


Yes Virginia dela Cueva, may balita na naman ang lola n’yo na ang bagong boyfriend kuno niya ay isang Italiano (naku naman, gustong pumantay kay James Yap na Italyana ang magiging misis) at tiyuhin daw ito ng sikat na Cebuanong actor na si Matteo Guidicelli.


Madre Mia! Kung anu-ano na lang ang iniisip nitong si Kris ang ending, baka mapagkamalan pa siyang lukaret.


Ilang men na kaya ang dumaan sa buhay niya since early 80s hanggang sa kasalukuyan?


Marami na ang hindi natutuwa sa kanya. Parang wala ng respeto sa kanyang sarili first sister pa naman siya na dapat mag-behave. Parang naamoy namin na hindi naman totoo na meron siyang bagong lalaki sa buhay niya. Napakadali namang makahanap ng kapalit kaya wala ng naniniwala sa kanyang mga sinasabi. Baka naman hindi sa bibig niya mismo nanggaling ang tiyo raw ni Matteo. Ibang tao ang raw nagbiro nito.


Anyway, kailan kaya sasabihin ni Tetay ang totoo niyang lalaki sa buhay? May pabitin-bitin pa siya as if marami ang natutuwa sa kanyang ginagawa.


000


TOUCHED naman kami rito sa baguhang Indie Film aspiring actor sa kuwento ng buhay niya. Nagpunta siya sa Manila sakay ng bus mula sa probinsya nilang Masbate upang makipagsapalaran. High school lang ang kanyang tinapos at alam niyang hindi siya makapagpapatuloy ng pag-aaral sa college.


Gusto niyang makapagtrabaho para may maitulong siya sa kanyang mga magulang at mapagtapos rin kanyang mga nakababatang kapatid. Sa factory sana ang papasukan niya riyan sa Cavite subalit iba ang napasukan niyang trabaho. Tamang-tama, merong shooting doon si direk G.A. Villafuerte at isinama siya sa cast. Tama naman ang kanyang magandang pangangatawan na matipuno at meron din siyang face value. Pang-Bodegero nga naman ang kanyang katawan. Kasama rin si Jonas Gruet sa pelikulang ito.


Naranasan niya sa pelikulang ito ang ang makipagromansa sa kapwa niya lalaki at okay lang sa kanya. Nasundan ito ng pangalawa niyang movie ang Sayaw bilang isang Macho Dancer. As usual, ganu’n pa rin ang tema, hubad kung hubad din.


Sa kanyang third movie na mas malaki na ang kanyang exposure (Kasiping kung saan bida ang hari ng mga hubadero na si Kristoffer King) as usual may sex scene rin siya sa kapwa niya mhin. No regrets say niya, trabaho lang ito. “Magbilad man ako nang katawan at matikman ng lalaki, makita man ang aking junior ‘di ako nababahala at ayokong mag-inarte,” matapang na sinabi ng baguhang si Raven Legaspi.


Nakabibilib siya. Basta’t ang iniisip niya trabaho lang. Sa tunay na buhay natikman na ba ang kanyang jun jun? Nangiti lang siya at sabay kindat. Baka nga natikman na ang jun jun ni Raven Legaspi.


Naku! Nakikini-kinita ko na na maraming mag-aabang sa showing ng Kasiping sa darating na May 7. Sugod mga syofatids. Hahahaha!


-0-


NAKU naman! Heto pa ang gustong yumakap ng headline at gusto ring magpasabog ang hitad at mapag-usapan din siya. Si Kat Alano na walang takot ikuwento ang naranasan niya 9 years ago na ni-rape din daw siya ng isang powerful na personality. Nabasa namin sa internet ang claim niya.


Sus, inday! huwag ka nang dumagdag pa sa mga naka-line-up na rape victims. Dapat noon pa sanang mismong year na iyon, nagsuplong ka na sa NBI at hindi mo na pinatagal. Parang hawig ang script mo kay Cornejo. ‘Yun nga lang, siya sa condo na rape. Ikaw naman sa sarili mong apartment. Well, sana nga totoo ang mga sinasabi mo at nang mahuli naman ang may gawa nito sa iyo. Ciao Bambino!


The post Na-rape rin daw siya! O, siya pagbigyan! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Na-rape rin daw siya! O, siya pagbigyan!


No comments:

Post a Comment