HINDI pa man nakaka-first base sa Kongreso, agad kinontra ng Malacañang ang hirit na P135 dagdag-sahod sa mga manggagawa partikular sa gobyerno.
Matatandaang inihayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na balak nilang ihain sa pagbubukas ng Kongreso ang nasabing panukala at ihahain din sa Wage Board.
Maging ang mga employers ay agad nagpahayag ng pagtutol sa wage hike dahil hindi raw nila alam kung saan ito kukunin.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kailangang mabalanse at dapat timbangin ang magkakatunggaling sektor upang magkaroon ng tinatawag na inclusive growth.
Ayon naman kay Pangulong Noynoy Aquino, malabo ito sa empleyado ng gobyerno dahil tiyak na mababawasan ang pondo ng ibang ahensya.
Samantala, ngayong Labor Day, mag-iikot ang Pangulong Aquino simula alas-10 mamaya sa Testech CPIP sa Laguna; sa Alliance Manols, Inc., sa Laguna Techno Park, Biñan, Laguna at sa Integrated Micro-Electronics, Inc., Biñan, Laguna.
The post PNoy, mag-iikot sa Laguna ngayong Labor Day appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment