Tuesday, April 29, 2014

UPDATE: Lee, Raz mananatili muna sa NBI

MANANATILI pansamantala sa NBI detention facility sina Cedric Lee at Simeon Raz sa kabila ng commitment order na ipinalabas ng Taguig Regional Trial Court.


Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, sa pagdinig kanina ay binigyan muna ng pagkakataon ng korte ang kampo ni Lee at Raz na dinggin ang kanilang kahilingan na huwag matuloy ang paglilipat sa kanila ng kulungan.


Ang kahilingan ay ginawa ng kampo ng mga akusado dahil sa usaping pangseguridad.


Nagtakda naman ang hukuman ng pagdinig sa May 6, 2014 para talakayin ang inihaing mosyon ng kampo nina Lee at Raz na patuloy na manatili sa NBI Detention Facility.


Samantala, tuloy naman ang itinakdang arraignment o pagbasa ng sakdal sa dalawang naarestong akusado ngayong araw (Abril30), ganap na ala-1 ng hapon sa Taguig RTC.


The post UPDATE: Lee, Raz mananatili muna sa NBI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Lee, Raz mananatili muna sa NBI


No comments:

Post a Comment