Wednesday, April 30, 2014

Bading, nilimasan ng mga kasabawat ng katalik

NAUDLOT ang pakikipagtalik ng 32-anyos na bading sa lalaking bago pa lamang niyang nakilala nang pasukin sila sa loob ng tinuluyang silid ng tatlong armadong holdaper at samsamin ang lahat ng gamit at salapi ng biktima kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.


Huli na nang matuklasan ni Gilbert Sablad, registered nurse at residente ng Blk. 21-42 Green Town, Bayan Luma, Imus, Cavite na kasabwat pala ng mga holdaper ang lalaking nakipagkilala lamang sa kanya sa loob ng Metropoint Mall sa EDSA kanto ng Taft Avenue, Martes ng gabi matapos tumakas kasama ang mga holdaper.


Sa ulat, alas-6 ng gabi, Martes, nang magkakilala ang biktima at ang suspek na si Yuhan Pormentera hanggang magpalitan na sila ng mensahe sa pamamagitan ng text at nagkasundong magkita at magtalik sa tinutuluyang silid ng suspek sa Blk. 11, Lot 11, Mulabe St., Sto. NiƱo.


Isinama ni Pormentera sa kanyang inuupahang silid si Sablad alas-4 ng madaling-araw at habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalik, biglang pumasok ang tatlong lalaking armado ng patalim at puwersahang kinuha ang kanyang mini ipod na nagkakahalaga ng P15,000 Nokia cellphone na may halagang P12,000 at P3,000 cash.


Inihatid pa umano ng dalawang suspek si Sablad sa EDSA bago ipinasiya niyang magsumbong sa pulisya. Kaagad namang nagtungo sina PO1 Andrew Pangan at PO1 Ariel Domingo ng Police Community Precinct (PCP) 6 sa inuupahang silid ni Pormentera subalit nakatakas na ang mga ito.


Nakuha ng pulisya sa loob ng silid ang naiwanang drivers license ni Pormentera nang tumakas kasama ang tatlo niyang kasabwat.


The post Bading, nilimasan ng mga kasabawat ng katalik appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bading, nilimasan ng mga kasabawat ng katalik


No comments:

Post a Comment