Wednesday, April 30, 2014

KAUNA-UNAHANG “SAFE WORK SYSTEMS HAND-BOOK” NG MANILA WATER

ang inyong lingkod hilda ong INILUNSAD ng Manila Water ang Safe Work Systems Handbook bilang gabay sa mga kawani nito upang maiwasan ang mga sakuna sa trabaho.


“Safety starts with me” ang tagline ng Manila Water, ang silangang konsesyonaryo ng tubig at alkantarilya na layong panatilihing laging ligtas ang mga empleyado sa opisina pati na ang mga customer, komunidad at service providers kung saan may mga ginagawang proyekto ang kompanya.


Ayon kay Manila Water Project Delivery Group Director Thomas Mattison, ang nasabing handbook ay ginawa upang masigurong mayroong angkop na kaalaman ang mga empleyado upang maiwasan ang mga posibleng panganib sa opisina at malinaw na maipaliwanag din sa komunidad at customers ang kahalagahan ng safety.


“Inilathala ng Manila Water Safety Solutions ang manual upang mapahalagahan at masiguro ang pagsunod ng mga empleyado sa safety guidelines sa pamamagitan ng paggamit ng visual standards upang makamit ang kaligtasan sa buong opisina at project sites,” paliwanag ni Mattison.


Ayon kay Manila Water Safety Solutions Head Liezel Lee, ang handbook ay alinsunod o compliant sa Philippine Occupational Safety and Health Standards at Fire Code.

Bukod pa rito, plano ring ibahagi ang handbook sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Occupational Safety and Health Center.


Ang safety handbook ay binuo base sa sumusunod na haligi ng kaligtasan: Assessing the Task, Hazard Identification and Risk Assessment, Defining Control Measure, at Identification of Applicable Work Permit.


-oOo-


Tayo’y magsaya at magdiwang! Happy Birthday to National Water Resources Board (NWRB) Birthday Celebrants for the month of May 2014: Gloria C. Macalalad (May 9), Ferdie I. Billones (May 12), Isidra D. Peñaranda (May 15), Ma. Cristina B. Arellano (May 21), Antonio L. Clarete Jr. (May 25) at Celestino “Leloy” Bustamante (May 19) ng Zamida Engineering Consultancy & General Merchandise, 154 Cantan Street, Cebu City.


The post KAUNA-UNAHANG “SAFE WORK SYSTEMS HAND-BOOK” NG MANILA WATER appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAUNA-UNAHANG “SAFE WORK SYSTEMS HAND-BOOK” NG MANILA WATER


No comments:

Post a Comment