Wednesday, April 30, 2014

Umayan solo sa unahan

KINABIG ni Pinoy woodpusher Vincent Umayan ang solo liderato matapos kaldagin si Shawn Hsiming Ho (elo 1977) ng Singapore sa round 5 ng World Amateur Chess Championships 2014 – Open sa Singapore kaninang umaga.


Perfect five points ang unrated na si Umayan sa event na ipinatutupad ang nine-rounds swiss system.

“Sana maipagpatuloy ko itong paghawak sa top spot,” wika ni Umayan na seeded No. 163 lang sa nasabing tournament. “Marami pang laban pero gagwin natin ang lahat ng magagawa para makapagbigay tayo ng karangalan sa ating bansa.”


Pitong chessers ang nasa likuran ni Umayan na may tig 4.5 puntos at wala ni isang pinoy.

May Pinoy woodpusher ang kasalo mula ninth to 22nd place, ito’y si Recososa Napolean (elo 1877) na may 4.0 pts.


Giniba ni ranked No. 37 Napolean si Premnath Kanagenthiran ng Malaysia.

Makakalaban ni Umayan sa round six si ranked No. 3 Niranga Kandearachchi (elo 1985) ng Sri Lanka habang si Napolean ay susubukan si Ho.


Nagwagi naman ang ibang Pinoy na sina Leonardo Alidani (elo 1959) at Eliodoro Polistico (elo 1794) subalit hindi sumapat ang kanilang puntos para makadikit sa mga nasa top 15.


May naipon pa lang na 3.5 points sina Alidani at Polistico kaya naman kailangan nilang manalo sa susunod nilang laro para makausad ng bahagya papunta sa unahan.


“May apat na laro pa at kaya pang makadikit para kahit paano masamahan namin sa itaas si Vincent (Umayan).” sabi ni Alidani.


Yumuko naman sina Pinoy Marlon Constantino at Ramil Rumusud.


The post Umayan solo sa unahan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Umayan solo sa unahan


No comments:

Post a Comment