Tuesday, April 29, 2014

DISMAYADO ANG MGA BAGONG ABOGADO

lily-reyes61 NADISMAYA raw ang ating mga bagong abogado sa hindi pagkakatuloy ng kanilang oath taking noong Lunes dahil sa dalawang araw na state visit ni US President Barack Obama.


Ang oath taking ng 1,174 na bar passers ay itinakda noong nakalipas na Lunes sa Philippine International Convention Center o PICC ngunit dahil sa pagdating ni US President Barack Obama ay nakansela ito at muling itinakda ito ng Korte Suprema sa darating na Mayo 5.


Tsk, tsk, tsk. Kung saan-saang probinsya pa nanggaling ang mga bar passer na ito. Hindi kaya naisip ng Korte Suprema na gumastos na ng kanilang mga plane ticket ang mga bagong abogado?


Sigurado niyan. ‘Yung galing sa ibang probinsya ay matagal na rito sa Metro Manila, kasama ang kanilang pamilya. Kaya hindi biro-biro ang kanilang mga ginastos.


Maging itong si Cebu City Mayor Michael Rama, na isa ring abogado, ay emosyonal ding naglabas ng kanyang pagkadismaya sa biglaang pagkakansela ng oath taking. Tinawag pa nga ni Mayor Rama na ridiculous decision ang hakbang na ito ng Korte Suprema.


AMERIKA IPAGTATANGGOL ANG PILIPINAS…


PANININDIGAN daw ng Amerika ang commitment nito na idepensa ang Pilipinas at ipagtatanggol ang seguridad at kalayaan ng bansa kung sakaling lumusob ang China.


Talaga lang, ha? Pero bakit naging mailap si US Pres. Barack Obama sa pagbibigay ng kategorikal na sagot tungkol sa kahandaan ng Amerika sa pagdepensa kung sakaling lusubin ng China ang ating bansa kaugnay sa territorial dispute natin sa una?


Iginiit ng pangulo ng Amerika na bagama’t malayo ang pagitan ay malalim naman daw ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika. Gaano nga ba kalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansang ito?


Sabagay, sa tuwing may nangyayaring kalamidad sa Pilipinas ay ang Estados Unidos ang isa sa mga bansang unang dumaramay sa mga Filipino at iyan ay dapat nating ipagpasalamat.


***

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo o hinaing, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09087230036.


The post DISMAYADO ANG MGA BAGONG ABOGADO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DISMAYADO ANG MGA BAGONG ABOGADO


No comments:

Post a Comment