NATAWA ako roon sa sumulat ng blind item na isang beauty queen na naging artista ay reyna rin ng inuyat. Na kapag daw nasa beauty parlor ito na ex-deal niya, nagbibigay naman ng tip sa mga nag-service sa kanya subalit ngitngit ng pitong bakla, tumataginting na 50 pesos at paghahatian pa raw ng apat na claving na nag-blower ng kanyang buhok, nag-shampoo, at iba pang service. Kapani-paniwala ito dahil naka-experience ako sa kanya noong baguhan pa lamang siya sa pelikula ay naranasan ko na na makatanggap mula sa kanya ng regalong pamasko.
Nagkita-kita kami sa isang watering hole ng mga taga-showbiz at kasama ko ang aking kaibigan na movie reporter rin at sa kanya ako nakatira. Pinapunta kami sa kanyang town house riyan sa Quezon City. Go naman kami sa kanyang balay. Nag-taxi kami dahil wala namang jeepney na masasakyan sa lugar na iyan.
Nang naroon na kami, knock knock. Binuksan ang pintuan ng maid of honor niya at pinasabi namin sa kanya ang aming name. All of a sudden, bumaba na ang reyna ng kagandahan. Hi and Hello tapos beso-beso. Pumunta ang reyna sa may christmas tree kung saan maraming gift ang nakadisplay roon.
Sa loob-loob namin, bongga siguro ang janno givs nito dahil kagagaling lang ng Hongkong.
Sa isip ko, imported ang aming matatanggap. Nang iabot na sa amin ang kanyang pamasko, disappointed kami dahil isang ballpen ang regalo. Oo nga’t imported pero mas mahal pa ang aming bayad sa taxi. Buti na lang hindi namin pinaghintay ang driver ng taxi kundi lalaki pa ang patak ng metro. Tuwing sumasapit ang pasko, hindi namin talaga nakalilimutan ang kanyang inihatag na gift. Hahaha!
-0-
PASOK pa rin sa finals ng Celebrity Dance Battle hosted by the ever beautiful tv host congresswoman na si Lucy Torres-Gomez ang etchoserang frog na si Shalala Reyes. Naku ha! kamuntik nang malaglag at naging bottom two sila ni Tina Paner na halatang kabado doon sa kanilang sayaw na cha-cha at iyan siguro ang naging dahilan kung bakit na eliminate siya at ng kanyang partner.
Next Saturday, maglalaban sila ni Iwa Motto kung sino ang tatanghaling champion of the month of April.
Laking panghihinayang namin na natanggal si Tina Paner. Okay naman ang ang kanilang sayaw ng kanyang partner. Tama naman ang mga steps. Kapuri-puri nga sa dalawang judges kaya lang ang pinakamay say ay si Douglas Nierras. Nakulangan lang siya kay Tina at nabitin siya at meron pa raw sanang idagdag doon sa steps ng sayaw para malibot lahat ang stage. Ganyan pala ‘yung ballroom, lahat ng sulok ng stage kailangan maukupahan.
Shalala, marami ang umaasa sa’yo na makukuha mo ang monthly champion kaya pagbutihan mo lalo ang iyong pagsasayaw.
-0-
NATUWA naman kami rito sa baguhang Indie actor na si Njay Ramos na kasama sa pelikulang Kamandag Ni Totoy, Dalawang beses niya kaming pinasalamatan sa aming maikling sinulat sa kanya rito sa Remate. Bukod sa text niya sa amin para sa ‘pag thank you, nag-pm pa rin siya sa amin.
Bibihira na lang sa ngayon sa mga artistang marunong magpasalamat. Subalit itong si Njay ay ang bilis magpadala ng mensahe niya pati na rin ang kanyang manager na si Fernan Del Valle at ang director na si G.A. Villafuerte nagpasalamat din.
Masaya na kami kapag ang artista na marunong magpasalamat at magpahalaga sa aming pinagpaguran sa pagsusulat. Sana’y hindi lumaki ang ulo mo Njay. Okay lang kung ang ulo mo sa baba ang lumaki nang lumaki. Aling Charing! Ciao Bambino!
The post Okay lang kung ang ulo sa ibaba ang lumaki! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment